Nakakaantok.
Siesta time na. Pero paano naman ako magsi-siesta kung nasa SLC ako? Hay…
Pero biglang
nabuhay ang dugo ko. Paparating na ang mga seniors na kakandidato para sa
Central Student Council. Dala-dala nila ang kanilang campaign materials –
props, slogans, puzzle pieces at isang napakalaking KATOL.
Tapos, bigla kong
namataan si Vampire. Sayang, wala si Karen M.
“Good morning, St.
Peter the Rock…”
Namutla ang mukha
ko.
Sumakit ang tyan
ko.
At ‘di ko na
napigilan ang aking sarili.
“Wahahahahaha!”
Nagtinginan sialng
lahat sa akin. Takaw-eksena daw ang naging dating ko. E sino ba naman ang ‘di
matatawa e hapon nun?
At pinagpatuloy
nya ang kanyang speech.
“Ako si Ka-TOL
_____, tumatakbo bilang CSC Over-all ______ Chairman… Ang ibig sabihin ng TOL
ay The Outstanding Leader. Kami ay magsisilbing role models sa inyong lahat…
Kami rin ay maihahalintulad sa isang DOG – man’s bestfriend… …”
Konti lang ang
na-absorb ko eh. Sorry for the inconvenience.
Anyway, tinatanong
nya sa sa amin kung anong trip namin na projects.
At humirit si
Kevin. “Dog pound.”
Nagpatuloy ang
pangangampanya. Sumunod naman ang candidates sa Over-all Liturgical Chairman,
Peace and Harmony Chairman, atbp. Grabe talaga ang tawanan sa klase! Mas lalo
na nang sila ay nagpakitang-gilas sa sing-and-dance portion.
Ang hirap palang
ma-suppress! Imagine, para akong nanonood ng Bubble Gang na naka-masking tape
ang bibig ko. E sabi kasi ni Ma’am
Rimando, “Show respect. Makinig nang mabuti sa mga plataporma nila. Please
don’t make fun of them…”
To
the max talaga ang entertainment tuwing CSC campaign! Sayang nga lang dahil
absent si Karen M. Nagka-dengue dengue pa kasi. ‘Di nya na tuloy nasaksihan ang
amazing stunts ni Vampire!
0 Responses to “CSC Campaign”