Reporma sa Pagsusulat

Hay… kani-kanina lang ay nagsusulat ako ng essay. Pagkalipas ng ilang sandali, ayaw gumana ng aking utak. Ayaw kumilos ng aking kanang kamay. Ayaw talaga!!! Kaya isang burador lang na may halos ‘di magkakaugnay na mga pangugusap ang aking nagawa. ‘Di nanaman natapos. Lagi na lang.

Matagal na rin nang huli kong in-update ang blog ko. Ilang mga buwan na rin ang nagdaan ngunit lagi kong itong ipinagpapaliban… dahil isa akong procrastinator…at masahol pa dun, isang perfectionist (kahit naman na anong gawin ko, ‘di ako magiging perpekto.) Oras-oras ang ginugugol ko. Malas na lang ‘pag di ko na nagagawa ang iba pang dapat kong gawin, tulad ng pag-aaral sa Geometry. Pinag-iisipan ko nang mabuti ang bawat salitang gagamitin. Gusto ko kasi dati, pang-Palanca award ang mga isinusulat ko. Joke!!! Nakakainis nga lang kasi tila nasasayang na lahat ng magagandang ideya… lumilipad, naglalaho. MInsan naman, nahahawa lang ako sa ugali ni Juan Tamad.

Kailangan ko nang magbago - isang reporma para maging mas produktibo naman ang aking career. LOL! Kahit na maiikling blog posts lang, pwede na basta’t nailabas ko ang mga hinanakit ko, mga sakit ng ulo, heartaches… maisalaysay ang aking mga pangarap, maisigaw ang nasa isip ko, at kahit na anu-ano pa tungkol sa aking buhay. Pwede na rin siguro kung medyo patapon, medyo lang ha, tulad ng blog entry na ito. Ay hindi pala. Kahit na simple basta makabuluhan, ayos na. Suko na ako. Siguro nga ay talagang kung tinamaan ka ng inspirasyon, dapat ay huwag mong bitawan iyon tulad ng paghawak sa isang winning lottery ticket. Tse. Pasensya na kung may mga typo dahil tinatamad na akong iretoke pa ang mga ito.

Hay… sana’y gumaling na nga ang aking sakit sa bato… bato-gan… batugan.

BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

0 Responses to “Reporma sa Pagsusulat”


  1. No Comments

Leave a Reply




Pages

 

March 2009
M T W T F S S
« Feb   Apr »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031